Isa ka din ba sa mga nasa Sandwich Generation? Kailangan mo padin sumuporta sa pamilya mo kahit may sariling pamilya kana o gusto mo palang magkaron ng pamilya?
Meron kang gustong gawin pero hindi mo magawa dahil ayaw nila para sayo pero wala kang magagawa kasi kailangan mong sumunod sakanila dahil may utang na loob ka. Ikaw din ba yung laging ibang tao ang iniisip o inuuha at hindi na iniisip at sarili?
Paano ka naman? Paano naman yung pangarap no? Hanggang kelan ka susunod sa gusto nila? Paano kapag habang ginagawa mo yung gusto nila biglang may nangyari sayo na hindi inaasahan, magagawa mo pa kaya ang gusto mo?
Maiksi lang ang buhay, kailangan lang makuntento kung anong meron, ang mahalaga ay yung basic needs na nakakain ka araw araw, wala naman masama humangad ng sobra as long as kaya mo at kaya ng budget mo. Magkaiba ang needs at wants.
Marami satin lalo na mga Milennials ang nakakaranas neto. Paano ba natin maiiwasan to at hindi maipasa sa susunod na generation?
Comments